Doon Tayo...

Sa byahe ng buhay, madalas kung saan maganda, malinis,kaiga-igaya, masarap, masaya ang gusto natin ay...doon tayo! Kapag mayroon tayong isang bagay na gustong gawin na makapagpapaligaya sa atin ay...doon tayo! Minsan naman kahit hindi natin gusto, basta't naaya o nayakag ng karamihan ay...doon tayo! Pero, ano at anupaman...kung saan alam nating mas makabubuti o para sa kapakanan ng nakararami ay...doon tayo!

Ang layunin ng aking "blog" na ito...(ano ba sa tagalog ang blog? hindi pa kasi uso ang ganitong salita sa diksyunaryong Filipino kaya maaari natin itong pansamamantalang tawaging - Talaang Kaisipan - bagay ba?) ay maibahagi ang aking mga karanasan sa mga lugar at bagay na pumupukaw sa aking likas na pagmamahal sa kalikasan. Madalas sa hindi, ang mga lalamanin ng talaang ito sa ganang-akin ay inaasahan kong makapagbibigay inspirasyon sa aking mambabasa upang sila naman ang makapagbahagi at magsabing....tara - "Doon Tayo!" :)