Isa sa pinaka-paboritong bundok ng mga bundukero, adbyenturista o kahit ng iskursiyunista, ay ang Bundok Batulao sa Nasugbu, Batangas. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda ng bawat hugis ng Batulao. Makikita mo ang mala-roller coaster na trail paakyat ng tuktok nito. Sa tuktok ay makikita mo ang kabuuan ng Tagaytay, Calatagan, tubigan ng Nasugbu at Balayan, kabundukan ng Maragondon, Mt. Talamitam at Mt. Maculot.
Makalipas ang ilang taon ay binalikan ko ang bundok na ito. Marami rin akong pagbabagong napansin. Ang kagandahan ay di tulad ng dati, wala na akong nakitang nagkakaingin at nag-uuling. Siguro ay natuto na at naintindihan na ng mga lokal ang sama na dulot ng ganitong gawi. Sa aking pagbabalik ay nakasama ko ang mga dati kong kasamahan at matalik na mga kaibigan, at mga bagong kaibigan sa kalikasan. Maaga kaming nagkitakita sa gate ng Evercrest at bago mag-alas otso ng umaga ay sinimulan na namin ang akyatan. Ginamit namin ang tinawag na New Trail at pababa naman sa Old Trail kaya masasabing nilibot namin ang kabuuan ng Mt. Batulao. Masarap at masayang kwentuhan sa trail lalo na at nababalikan ang mga nakatutuwa at masayang luma at bagong karanasan. Sa Camp 8 ay pinagsabay na namin ang agahan at tanghalian, siguro para makatipid na rin sa oras. Maraming kodakan at kulitan ang nangyari habang nasa daan. Bago mag-alas onse ng umaga ay nasa tuktok na kami ng Peak 10, pero naunsyami ang aming piktyuran dahil bumuhos ang malakas na ulan. Ilang minuto rin kaming naghintay na tumila pero naisipan na rin naming bumaba ng lalo pang lumakas ang ulan.
Pababa ay nadaanan namin ang ilang grupo na kahapon pa raw nag-camp at marami ding paakyat pa lang na animo'y may pyestang pupuntahan. Sa dami ng taong umaakyat ng Mt. Batulao ay masasabi kong isa itong "peborit". Bakit hindi, ay isa ito sa madali at malapit na puntahan ng mga taga- Maynila at mga taga-Timog Luzon katulad ko.
Bagaman at di kahalintulad ng ilang kabundukan ang bundok Batulao ay walang kagubatan sa halip ay madawag na damuhan mula ibaba hanggang itaas. Gayunpaman, ito ang nagsisilbing bintana mo upang masilayan ang kabuuang hugis ng kanyang kabundukan na sadya namang kalugod-lugod. Kung ako ang tatanungin, masasabi kong ang bundok Batulao, kahit saan mo tingnan ay talaga namang super "sexy"!
Mga paalala at gabay sa pagpunta:
Kung manggagaling ng Maynila, sumakay ng bus papuntang Nasugbu, Batangas. Kung manggagaling naman ng Timog Katagalugan ay samakay papuntang Dasmariñas, Cavite o kaya ay Tagaytay. Sumakay muli patungong Nasugbu, Batangas at bumaba sa harap ng Evercrest Golf Course. Mula dito ay maaaring lakarin o sumakay ng tricycle patungong jump-off .
Mararating ang peak sa loob ng isa't kalahating oras kung dadaan sa tinatawag na New Trail. Sa regular na Old Trail ay aabutin ng dalawa hanggang dalawa't kalahating oras. Makukuha ng dalawa hanggang tatlong oras ang kabuuan ng trail kung aakyat gamit ang New Trail at bababa gamit ang Old Trail hanggang jump-off. Sa tag-init ay mag-suot ng damit proteksyon sa balat (long sleeves o arm cover, sumbrero o payong) dahil ang buong kahabaan ng trail ay bilad sa araw. Ang 2-3 litrong tubig ay sapat na sa isang dayhike, at mayroon namang watersource sa campsites.
Isa ang Mt. Batulao sa madali at kaaya-ayang adbentyur na gugustuhin mong balik-balikan. Kaya ano pa ang hinihintay mo....mag-aya ka na at sabihin mong tara..."Doon Tayo!"
Kung nais pa ng karagdagang larawan ay maaaring tingnan sa:
Doon Tayo.....
Sa byahe ng buhay, madalas kung saan masarap, masaya, maganda, malinis,kaiga-igaya...kung saan o ano man ang makapagpapaligaya sa atin... kung nasaan ang ating minamahal...ano mang hirap ay susuungin upang ito ay marating... Kaya nasaan man ito...tara na..."Doon Tayo!"
Tuesday, September 6, 2011
Friday, August 26, 2011
Tawirin ang Bundok Makiling
Isa sa wari ko'y pinaka-bantog na bundok sa Pilipinas ay ang Bundok Makiling. Bakit hindi, ay sa kabataan pa lang natin ay itinuturo na sa iskwela ang sari-saring alamat o pinagmulan ng mga bagay at lugar sa ating paligid. Isa ito sa hindi maaaring hindi mabanggit dahil ito rin ay may kaugnayan sa ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal dahil isa sa kanyang mga obrang panulat ay may pagkakahawig ang istorya kaya iniuugnay sa Alamat ni Mariang Makiling.
Araw-araw ay nakikita ko ang bundok na ito sa aming likod bahay dito sa Calamba. Makailang beses ko na ring naakyat ang Makiling sa daanang Los Baños. Matagal din akong natigil sa pag-akyat kaya naisipan ko itong balikan. Napili ko to syempre dahil na rin sa lapit sa aming tirahan. Makarating sa Peak 2 ay ipinagbawal ang pag-akyat lampas ng Wilderness at Wild Boar trail patungong Peak 3 dahil daw mapanganib. Naisip kong mas ligtas kaya kung akyatin ito sa likurang parte ng Batangas? Naghanda na ako at nagplano...
Ilang bundok na rin ang naakyat kong mag-isa pero nag-aalangan akong akyatin ang Makiling nang mag-isa dahil na rin sa paalala ng panganib. Swerte namang may nakasabay akong ilang kabataang bundukero ng araw na yon kaya di nako nag-atubili pa. Simula ng tinatawag na traverse (pagtawid mula sa isang jump-off at lagusan sa kabilang jump-off ng isang bundok) sa Sto. Tomas, Batangas. Inabot ito ng walong oras at magdidilim na ng marating namin ang Melkas Ridge at Peak 3 dahil na rin sa ilang pagkaligaw ng daan dahil pare-parehas namin itong perstaym na akyatin. Bago marating ang Peak 3 ay kinakailangan mong gumamit ng lubid paakyat sa mahigit tatlong palapag makalampas ang tinatawag na Haring Bato. Sa Peak 3 ay makikita mo ang kabuuan ng Laguna at Batangas. Gabi pa lang ay inabot na kami sa tuktok ng Peak 3 ng bagyong Bebeng kaya dali-dali namin itong binaba kinabukasan. Inabot din ito ng anim na oras pababa dahil na rin sa dulas ng basang trail. Disgrasya ring nasugatan ang aking isang mata habang binabaybay ang Wild Boar trail pero naitawid ko ito ng isang mata sa tulong ng mga bagong kaibigan. Naging matagumpay ang adbentyur kong ito dahil na rin sa kanila.
Mapapatunayan mong likas pa rin ang ganda ng bundok na ito dahil na rin sa pag-iingat ng DENR at UPLB Forestry. Kaakit-akit ang ganda ng "flora at fauna" sa kahabaan ng tinatawag na Wilderness Zone hanggang forestry area. Mayabong pa rin ang ibat-ibang uri ng halaman at naggagandahang mga bulaklak.
Mga paalala at gabay sa pagpunta:
Saan ka man manggagaling ay siguruhing makarating sa Jollibee Maharlika Highway Cor. Miguel Malvar Ave., Sto Tomas, Batangas. Mula rito ay may mga tricycle na papuntang Brgy. San Bartolome at P20 kada pasahero o depende sa pagkagalante. :) Sa gawi naman ng pagbaba, mag-abang ng jeep sa harap ng UPLB Forestry Bldg. papuntang Calamba Crossing o bumaba sa Olivarez Plaza, Los Baños at mula dito ay may masasakyan nang papuntang Manila, Laguna or Batangas.
Maipapayo kong mag-"light pack" sa adbentyur na ito at gumamit lamang ng 30-40 liter backpack sa "dayhike" o kahit may planong overnite camp dahil sa maraming lusong, gapang, suotang pailalim na magaganap sa kahabaan ng Wilderness at Wild Boar trail. Ang 3 litrong tubig ay maaaring sapat na sa isang tao o ayon sa pangangailangan. May "water source" sa kalagitnaan ng trail pagsapit ng Palanggana River bago sumapit ng Talahib Ridge campsite. Mayroon din pagsapit ng Malaboo Campsite. Maaring mag-camp sa Peak 3 ng hanggang tatlo o apat na tent lamang. Sa malaking grupo, ang Talahib Ridge, Malaboo at Tayabak campsites ay mga alternatibo.Isa na namang kaaya-aya at makabuluhang karanasan.... ang marating at akyatin ang bundok Makiling.
Kaya ano pa ang hinihintay mo....mag-aya ka na at sabihin mong tara..."Doon Tayo!"
Kung nais pa ng karagdagang larawan ay maaaring tingnan sa aking Facebook albums.

Subscribe to:
Posts (Atom)